CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang tatlong (3) police trainee habang 17 ang sugatan matapos ma-aksidente ang sinasakyang Isuzu elf sa may Barangay Gusa nitong lungsod.
Ayon kay Pol. Major Julius Clark Macariola IV, hepe ng Agora Police Station na nawalan ng preno ang drayber ng sinasakyang truck dahilan upang tumilapon ito at bumangga sa isang gate ng subdivision.
Galing sa batallion ang mga biktima at patungo sana sa 4th Infantry Diamond Division sa Barangay Patag upang ihatid ang mga gamit na kinakailangan sa isang “Motorcycle Riding Course”.
Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide and physical injuries ang drayber ng truck na si Jomar Ihong, 27-anyos at residente sa may Taboc, Opol Misamis Oriental.
Sa ngayon, ayaw munang ipaalam ng pulisya ang pangalan ng mga namatay dahil hindi pa naabisuhan ang kanilang mga pamilya sa aksidenteng kinasasangkutan nito.
Injured:
- PT Aruelo, Johnson Apare,
- PT Taberna, Rainiel Nogoy,
- PT Fuentes, Jun Antolin Kantong
- PTOdrunia, Mark Vincent Atay
- PT Orgen, Oddsey Gungob
- PT Anhao, John Mark Alison
- PT Bantaculo Joemar Guinita
- PT Umambac, Dan Lovern
- PT Siblero,Vito John Gilbert Acut
- PT Berdin, Dionex Dayagnos
- PT Pacubas, Jeyfred Fuertes,
- PT Bagongon, Roy Jr Abratiguin
- PT Sereño, Pedro Jr Casinoinan
- PT Miso, Junel Opaon
- PT Dela Fuente, Jovanne Villegas
Civilian injured:
- Driver: Ihong, Jomar Ranque
- Helper: Wabe, Jesryl Bongat