CAGAYAN DE ORO CITY – Pinagtutulungang hinahanap pa ng mga personahe ng Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP) at pulisya ang tatlong bilanggo na nakatakas sa isang pasilidad sa bayan ng Manolo Fortich,Bukidnon.
Ito ay matapos nagkaroon umano ng jail break ang district jail ng BJMP na nakabase sa nabanggit na bahagi ng probinsya.
Inihayag sa Bombo Radyo ni Manolo Fortich Police Station commander Maj Noel Cano na kabilang sa nakatakas ay sina Roque Batuigas;Jimson Devara at Benjie Orias na lahat mga residente sa lalawigan.
Sinabi ni Cano na ang tatlong mga bilanggo ay kasalukuyang mayroong kinaharap na magkaibang kaso na kinabilangan ng qualified rape;homicide at illegal possession of firearms.
Sa ngayon,nakataas alerto na ang buong hanay ng PNP habang tuloy-tuloy ang pisikal na paghahanap ng BJMP personnel sa nakatakas nila na inmates.