-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Patuloy ngayong pinaghahanap ng pulisya sa bayan ng Cantilan, Surigao del Sur ang tatlong persons deprived of liberty o mga bilanggo matapos tumakas mula sa Cantilan Municipal Jail kaninang alas-dos ng madaling araw.
Nakilala ang mga tumakas na sina Renwood Baya alyas ” Paing” na nakonbikto sa kasong paglabag sa RA 10883 o bagong Anti-Carnapping Act of 2016; Junmar Quexada na konbiktado sa kasong robbery at Edgardo Pinoy Jr na nakonbikto sa kasong rape.
Nag-flash alarm na ang Cantilan Municipal Police Station sa lahat ng mga yunit upang matulungang mahanap sa mas madaling panahon ang mga tumakas.