Inilatag ni newly installed AFP chief of staff Lt. Gen. Rey Leonardo Guerrero ang kanyang tatlong prayoridad sa ilalim ng kaniyang liderato.
Ito ay: tapusin ang teroristang grupo, i-neutralize ang communist insurgencies threat at suportahan ang iba pang law enforcement agencies sa kanilang effort na arestuhin ang mga lawless armed groups.
Aniya, gagamitin nito ang lahat ng pwersa at resources ng AFP para makamit ang kaniyang misyon.
Ibinunyag din ni Guerrero na may timetable silang sinusundan para tapusin ang lahat ng mga threat groups na nag-o-operate sa bansa.
Inihayag nito na ang kaniyang kauna-unahang marching order sa tropa ay panatilihin ang momentum sa pagtugis sa mga kalaban.
Pagbibigay-diin din ng heneral na siya ay nakapokus sa kaniyang trabaho at hindi nito iniisip na malapit na rin siyang magretiro sa serbisyo.
Nabatid na magreretiro si Guerrero sa buwan ng Disyembre, dahilan para hawakan niya ang pwesto sa loob ng dalawang buwan maliban na lamang kung i-extend pa ang kanyang termino bilang hepe ng Sandatahang Lakas.
Aniya, kung ano ang mga nakaatang na misyon ay kaniyang titiyakin na accomplished ang mga ito.
Sa kabilang dako, sinabi rin ni Guererro na kaniyang ire-revisit ang kanilang fire fighting doctrine at kung may kailangan silang baguhin dito ay hindi siya mag-aatubili na ipatupad ito.
Marami rin umanong mga leksiyon na natutunan ang militar sa kanilang operasyon sa Marawi.