-- Advertisements --
Apektado pa rin ng red tide ang tatlong katubigan sa bansa, batay sa pinakahuling bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Kinabibilangan ito ng mga baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa probinsya ng Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamaboanga del Sur; at ang baybayin ng San Benito sa Surigao del Norte.
Maliban sa mga nabanggit na lugar mula sa tatlong probinsya, ligtas naman na sa red tide ang iba pang katubigan ng bansa.
Pinapayuhan naman ang publiko na iwasan munang manguha ng mga shellfish at mga alamang sa mga naturang lugar dahil mapanganib kainin ang mga ito.
Gayonpaman, maaari paring hulihin o kunin ang mga isda, pusit, hipon, at mga talangka, bastat mahugasan at malutong mabuti ang mga ito.