-- Advertisements --

Sugatan ang tatlong protesters matapos na paulanan sila ng tear gas at gamitan ng rubber bullets ng mga kapulisan sa Thailand.

Ito ang pangatlong beses na nagkasagupaan ang mga protesters at kapulisan sa loob lamang ng isang linggo.

Inirereklamo kasi ng mga protesters ang mahina at mabagal na paghawak ng gobyerno nila ng COVID-19.

Tumaas kasi ang kaso ng Delta variant ang nasabing bansa kung saan sa isang araw lamang ay nagtala sila ng mahigit 23,000.