-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patay ang limang mga indibidwal matapos ang nangyaring aksidente sa Barangay Lagab Compostela Davao del Oro.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Major Darwin Dura, hepe ng Municipal Police station sa Compostela, bumangga ang minamanehong sasakyan na fortuner ng mga pulis sa motorsiklo at nahulog ito sa halos 7 feet na roadside canal na siyang dahilan na halos lahat ng sakay nito ay dead on spot.

Nakilala ang mga namatay na sina Patrolman Adamson Casador, Patrolman Armon Pelicano parehong nadestino sa 1101st RMFC ng RPSB Panansalan bilang mga security at Cpl. Aries Jay Yray na nadestino sa Compostela Police station at kasalukuyang sumailalim sa kanyang CIC Schooling.

Sugatan naman ang isa pa nilang kasamahan na si Corporal Jayford Sumaliday, na isinugod sa District hospital ng Davao de Oro.

Ayon kay Police Major Dura, galing sa kanilang temporary post sa Brgy. San Miguel Compostela ang mga pulis at papunta sana sa Montevista ng mangyari ang aksidente.

Sugatan rin ang driver ng motorsiklo na si Rodolfo Antiojo na kasalukuyang inoobserbahan ng mga doktor habang ang dalawang sakay nito na magpinsan at nakilalang sina Marjon at Jason Mabinse ay ideneklarang dead on arrival ng mga doktor.

Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing aksidente.