-- Advertisements --

Arestado ang tatlong pulis sa tatlong magkakahiwalay na insidente sa Region 4-A CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon).

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief police director Gen. Oscar Albayalde, walang sini-sino ang kanilang internal cleansing laban sa mga police scalawags na nasasangkot sa iba’t ibang illegal activities.

Kabilang sa mga dinakip ay si PO1 Hezri Batilo Jarder na nakatalaga sa Special Weapons and Tactics ng Lucena City, dahil sa pagtutulak ng shabu kasama ang kaniyang girlfriend na si Mary Lee Miralles.

Nahuli naman sa Tagaytay City dahil sa kasong carnapping si PO2 Wilson Castro Regala, nakatalaga sa Police Regional Office-3.

Habang si PO2 Robin Robiso na nakatalaga sa Candelaria Municpal Station sa Quezon Province ay dinakip sa kaniyang bahay sa Cavite dahil sa pangingikil.

Modus nito ay kotongan ng P10,000 hanggang P25,000 ang kaniyang mga inaaresto para hindi kasuhan.

Noong nakaraang Linggo, arestado ang dalawang pulis ng Benguet na sina SPO3 Paulino Lubos Jr., at SPO4 Gilbert Legaspi, dahil sa pangongotong sa mga STL (small town lottery) collectors at operators.