DAVAO CITY – Kinumpirma ng Police Regional Office in Davao (PRO 11) na tatlong mga low-ranking police officers sa rehiyon ang nasampahan ng kasong administratibo matapos dahil sa illegal na droga.
Ayon kay Police Major Jason Baria, tagapagsalita ng PRO 11, na nagpositibo ang mga police officers matapos ang isinagawang random drug test.
Tumanggi naman si Baria na pinangalanan pa ang tatlong pulis at unit kung saan nadestino ang mga ito.
Napag-alaman na mula noong 2017, nasa 12 pulis na ang nasampahan ng kaso dahil na illegal na droga.
Sa nasabing bilang, anim sa mga ito ang natanggal sa serbisyo.
Lima naman ang naitala noong 2018 at tatlo mula Enero hanggang Marso nitong taon.
Sinabi ni Baria na karamihan sa mga nasasangkot at mga low ranking police officers.
Mula Enero 1 hanggang Marso 31 nitong taon, nasa 48 na kaso ang kanilang inihain labang sa mga police officers kung saan apat nito ang naresolba.
Hinigpitan pa ngayon ng kapulisan ang kanilang kampanya laban sa illegal na droga na bahagi ng kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte mula ng maupo ito sa puwesto.