-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Sasampahan na ngayong araw ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang tatlong pulis na kinabibilangan ng deputy chief of police dahil sa pagbebenta ng iligal na droga sa Brgy. Nituan, Parang, Maguindanao.

Kinilala ang mga suspek na sina Patrolman Sandiali Mangundacan Manalao, Staff Sgt. Fahmi Bangon Como, at Master Sgt. Monjel Nassal Aradais, deputy chief of police ng Marantao MPS.

Sinabi ni PDEA BARMM Regional Director Juvenal Azurin na sakay ng Toyota Innova ang mga pulis na nakipagtransaksyon sa isang nakasibilyang pulis.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 50 gramo ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P340,000, identification cards, mga baril at uniporme ng pulis.

Posible pa umanong tuluyan ng masibak sa serbisyo ang nahuling mga pulis dahil sa isasampang kasong administratibo.

Ayon kay Azurin patuloy pa rin nilang inaalam kung may mga kaukulang dokumento ang mga baril na nakumpiska mula sa mga suspek.