-- Advertisements --

ILOILO CITY – Ni-relieve na sa pwesto ang tatlong pulis na nakabaril-patay sa isang lalaki sa checkpoint sa Brgy. Zerrudo, Sara, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Pol. Lt. Col. Mario Baquiran Jr., commander ng 2nd Iloilo Provincial Mobile Force Company, sinabi nito na kaagad na nag u-turn si Adonis Hontiveros Jr., 26, ng Ajuy, Iloilo nang malaman nito na mayroong checkpoint.

Dahil dito, hinabol nina Patrolman Christopher Paclibar, Police Corporal John Michael Parsia at Police Corporal Alfredo Bartulo si Hontiveros.

Ayon kay Baquiran, mas naunang nagpaputok ng baril si Hontiveros kung kaya’t lumaban rin ang tatlong pulis.

Nagtamo ng dalawang gun shot wounds sa dibdib si Hontiveros at nakuha rin sa kanyang posisyon ang .45 caliber pistol.

Nauna ng sinabi ng kasama ni Hontiveros na si alyas Boy na hindi nakasuot ng uniporme ang tatlong pulis ng mangyari ang insidente.