-- Advertisements --
Maguindanao 1

CENTRAL MINDANAO- Naaresto ng mga otoridad ang tatlong pulis na nagbebenta ng pinagbabawal na droga sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga suspek na sina Patrolman Sandiali Mangundacan Manalao, Staff Sergeant Fahmi Bangon Como at Master Sergeant Monjel Nassal Aradais,mga nakatalaga sa Marantao Municipal Police Station sa Marantao Lanao Del Sur.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-BARMM) Regional Director,Juvenal Azurin na nagsagawa sila ng intrapment operation sa Brgy Nituan Parang Maguindanao katuwang ang PNP-BARMM.

Nang i-abot na ng mga suspek ang shabu sa asset ng PDEA_BARMM doon na sila hinuli.

Narekober sa mga suspek ang ilang malalaking pakete ng shabu,mga baril,mga bala at drug paraphernalia.

Napag-alaman rin na si MSgt Aradais ay defuty chief of police ng Marantao MPS.

Ang mga suspek ay nakapiit ngayon sa costudial facility ng PDEA-BARMM at nakatakdang sampahan ng kaso.