Patay ang tatlong pulis matapos ang banggaan ng motorsiklo at truck sa Lanao del Norte.
Nangyari ang aksidente sa national highway ng Purok 2 ng Barangay Pigcarangan sa bayan ng Tubod dakong 1:50 ng umaga ng Abril 18.
Ayon sa Police Regional Office 10 , na sakay ng isang motorsiklo ang tatlong pulis na galing sa Barangay Poblacion, Tubod ng ito ay bumangga sa truck na may kargang mga furniture patungo sa Pagadian City.
Dahil sa insidente ay nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang driver ng motorsiklo at ang dalawang backride nito.
Dinala pa ang mga biktima sa Baroy Provincial Hospital subalit sila ay idineklarang dead on arrival.
Isa sa mga biktima ay 29-anyos na pulis na nakatalaga sa Lanao Del Norte Provincial Office 2nd Provincial Mobile Force Company.
Habang ang isa ay 31-anyos na pulis na nakatalaga sa bayanng Tagoloan, Misamis Oriental at ang ikatlong pulis ay nakatalaga sa Tubod police.