-- Advertisements --
PBGen Alfred Corpus
PBGen Alfred Corpus/ FB image

GENERAL SANTOS CITY – Pawang mga police non-commissioned officers ang tatlong pulis ng Police Regional Office (PRO)-12 na ipinatawag sa Camp Crame.

Ito ang naging pahayag ni PBGen. Alfred Corpus, regional director ng PRO-12, matapos kinumpirma na mayroong tatlong miyembro ng pulisya ng Region 12 ang kabilang sa bagong narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ngunit hindi muna nito pinangalanan ang mga naturang pulis.

Sinabi nito sa Bombo Radyo GenSan na iba ito sa tatlong PNP personnel na unang ipinatawag na nasibak na sa serbisyo matapos masangkot sa cockfighting.

Dagdag pa ni Gen. Corpus, mensahe ito sa mga pulis na sangkot sa ipinagbabawal na gamot na sila ay magbago na at maging tapat sa kanilang serbsiyo.