-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Umapela ang tatlong pulis matapos nagpalabas ng dismissal order ang Camp Crame sa hindi pinapangalanan na mga PNP members.

Itoy matapos kinumpirma ni Lt. Col. Lino Capillan, spokesperson ng Police Regional Office Region 12 (PRO-12) na naaktuhan umano ang tatlo sa sabungan at nakuhaan ng litrato.

Dagdag ni Capillan, hihintay na lamang ang desisyon sa apela ng tatlo.

Ayon pa sa opisyal wala man siyang pangalans a tatlo subalit aniya dalawa sa mga ito ay galing sa Sarangani at ang isa mula sa PRO-12.

Kung ibasura umano ang apela ng tatlong Pulis siguradong matanggal sa trabaho matapos sinuway ang Executive order ni Pangulo Rodrigo Duterte na bawal ang mga Pulis sa ano mang iligal na aktibidad.

Habang hindi naman nagkulang si Regional Director Brig. Gen. Alfred Corpuz para umiwas sa iba’t ibang sugal.

Sa ngayon nananatili pa kanilang serbsiyo ang tatlong pulis.