VIGAN CITY – Tatlong punong barangay sa Ilocos Sur ang kasama sa mga 89 na sinuspende ng Office of the Ombudsman dahil sa pagkakasangkot sa anomalya sa pamamahagi ng 1st tranche ng Social Amelioration Program.
Ang mga nasabing opisyal ay kinabibilangan nina Jason Dominguez ng Barangay Nagsayaoan, Sta. Maria; Marino Cabados Cirilo, Sr. ng Barangay Cadacad, Narvacan at si; Antonio Delos Santos ng Brgy Laslasong West, Sta. Maria.
Posible umanong matanggal na sila sa pwesto dahil sa kanilang kasinungalingan, grave misconduct at abuse of authority na kanila ngayong hinaharap.
Karamihan sa mga nasuspinde ay mula sa National Capital Region 1 at Region 2.
Gayunman, iginiit naman ni DILG Sec Eduardo Ano na ang pagkakasupende ng mga nasabing opisyal ay magsilbing babala sa lahat ng mga opisyal na gawing maayos ang kanilang tungkulin.