-- Advertisements --
Pumayag na umano ang tatlong quarantine centers sa Metro Manila para magsilbing mga clinical trial sites para sa lagundi research and development.
Kung maaalala ang lagundi ay kilala bilang herbal medicine sa Pilipinas.
Ang quarantine sites na gagamitin ang lagundi sa mga pasyente ay sa Quezon Institute Quarantine Center sa Quezon City, ang Santa Ana Hospital sa Maynila at ang PNP-NCR Community Quarantine Center.
Bago ito naglaan na P4.9 million ang DOST bilang budget sa lagundi clinical trials.