BUTUAN CITY – Patuloy ngayon ang ginawang combal operation sa 901st Infantry Brigade, Philippine Army sa rehiyon sa Caraga kungsaan target ang mga miyembro sa kumunistang teroristang grupo sa bukiring bahagi sa hangganan ng probinsiya sa Agusan del Sur at Surigao del Sur.
Dahit dito ay anim na sunod-sunod na mga engkuwentro ang naganap sa loob lang ng isang buwan na humantong sa pagkamatay sa tatlong rebelding New People’s Army at pagkakumpiska sa 4 na high-powered firearms, mga bala, explosibo at personal na kagamitan.
Ang unang bakbakan ay naganap noong Marso 25 sa Brgy. Bitaugan, San Miguel, Surigao del Sur na isang rebelde ang napatay at nakuha ang isang unit ng M16 rifle. Pagkaraan ng isang linggo o noong Abril 1, nagkasagupan na naman ang dalawang panig sa parehong barangay kung saan mga baril ang nakuha.
Tumakas ang mga rebelde sa bukirin sa Brgy. Kolambugan, Sibagat, Agusan del Sur ngunit nahuli ito ng mga sundalo kungsaan dalawang sagupaan ang naganap noong Abril 19 na humantong sa pagkamatay sa dalawang rebelde habang nakumpiska ang mga baril nito.