-- Advertisements --

Nasawi ang tatlong personnel ng Red Cross matapos na tamaan ng missile ang truck nila sa eastern Ukraine.

Ayon sa International Committee of the Red Cross (ICRC) na magsasagawa sana sila ng pamamahagi ng tulong sa Donetsk region ng tamaan ng missiles ang kanilang truck.

Lahat ng mga biktima ay pawang Ukrainian citizens na miyembro ng Red Cross.

Mariing kinondina ni ICRC President Mirjana Spoljaric ang insidente kung saan nagpaabot na ito ng mga pakikiramay sa mga pamilya ng biktima.

Tinawag naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang insidente bilang isa namang Russian war crime.