Nahaharap pa rin sa banta ng malawakang pagbaha ngayong araw, March 4 ang walong rehiyon, sa kabila ng mataas na heat index na nararanasan sa malaking bahagi ng bansa.
Ito ay dahil na rin sa mga pag-ulang dulot ng easterlies, ang malakas na hanging nagmumula sa silangang bahagi ng bansa/Pacific Ocean.
Kinabibilangan ito ng Region 5 (Bicol Region), Region 11 (Davao Region), at Region 13 (CARAGA).
Region 5 (Bicol Region) – Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Catanduanes, Sorsogon
Region 11 (Davao Region) – Davao Oriental, Davao del Norte, Davao Occidental, Davao de Oro
Region 13 (CARAGA) – Surigao del Norte, Dinagat Islands, Agusan del Sur, Agusan del Norte
Samantala, simula pumasok ang buwan ng Marso 2025, tuloy-tuloy nang bumababa ang bilang ng mga rehiyon na nahaharap sa banta ng pagbaha, batay na rin sa pagtaya ng state weather bureau.