Nasa low risk ng COVID-19 ang tatlong rehiyon para sa COVID-19 sa bansa.
Kabilang sa mga rehiyon na ito ay ang Region 4B o Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan), Region 5 o Bicol at Region 8 o Eastern Visayas.
Ipinaliwanag naman ni Health Secretary Francisco Duque III na bagamat nasa positive 2-week growth rate at moderate risk, ipinapakita nito na nananatiling nasa low risk classification para sa COVID-19 ang nasabing m,ga rehiyon kapag pinagsama ang 2week growth rate sa bawat average daily attack rate ng mga rehiyon.
Nilinaw din ng DOH chief na ang naitalang bahagyang pagtaas ng mga kaso ay pa nakakaapekto sa healthcare utilization ng bansa gayundin sa mga rehiyon nananatiling nasa low risk o mababa ang healthcare utilization rate.
Paalala pa rin ng DOH sa publiko na magsuot ng well-fitted na face mask, mag-sanitize ng kamay, tiyaking may maayos na ventilation at magbakakuna na at booster laban sa COVID-19.