BAGUIO CITY – Kaisa ngayon ng mga medical personnel sa Seoul Medical Center sa South Korea ang tatlong robot para sa paggamot sa mga pasyente ng COVID-19 doon.
Sa ulat ni Bombo International Correspondent Roel Toquero na isang overseas Filipino worker (OFW) sa Gimpo, South Korea, sinabi niyang isang robot ang nagsasagawa ng temperature check sa mga bumibista sa ospital.
Trabaho naman ng ikalawang robot ang mag-sterilize sa mga negative pressure rooms.
Ang ikatlong robot naman ang nagdadala sa disposal site sa mga damit at gamit ng medical staff at pasyente ng pagamutan.
Inihayag ni Toquero na ang Seoul Medical Center ang nagsisilbing COVID-19 treatment center sa Seoul pagkatapos maitala ang 100 na kumpirmadong kaso mula sa isang call center doon.