Natukoy na apat lamang ang close contact sa Quezon City ng unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.
Nilinaw ni Dr. Rolly Cruz, head of the City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang reports hinggil sa 9 na residente na nagkaroon umano ng contact sa 52 anyos na dayuhang mula sa Finland na nakumpirmang nagpositibo sa omicron subvariant.
Aniya, apat lamang ang nakasama ng Finnish national sa seminar na kanilang dinaluhan sa lungsod ng Baguio.
Tatlo dito ang nakaquarantine na at negatibo na sa COVID-19 habang ang isa naman sa mga close contact ay napaulat na umalis na ng bansa kasama ng Finnish national.
Maaalala na dumating sa bansa ang fully vaccinated na dayuhan mula Finland noong Abril 2. Nagtungo ito sa isang unibersidad sa Quezon City saka bumiyahe patungong Baguio city para magsagawa ng seminars.
Sa isinagawang contact tracing ng local epidemiology and surveillance unit sa baguio, nasa 9 na asymptomatic close contacts ang natukoy, dalawa dito ay negatibo na sa COVID-19.
Matapos makumpleto ang 7 day quarantine at makarekober sa sakit, bumalik ito sa finland noong Abriil 21.