Umabot na sa $700 million o halos $37 billion pesos ang mga nagpaabot ng tulong upang muling isaayos ang nasirang bahagi ng Notre Dame Cathedral dahil sa nangyaring sunog.
Pinangunahan ng tatlo sa pinaka mayamang pamilya sa France ang fundraising campaign na ito kung saan nangakong mag-aabot ng $565 million o halos 30 billion pesos ang luxury giants ng cosmetics company na L’oreal na sina chief of executive Bernard Arnault at Bettencourt Meyers family.
Una ng nangako na magbibigay dito ng $113 million o anim na bilyong piso si French billionaire at luxury mogul Francois Pinault.
Isang oil and gas company naman ang nangakong magbibigay ng $113 million o halos 6 billion pesos at ang tech and consulting firm na Capgemini ay magbibigay umano ng $1.1 million o halos 57 million pesos.
Samantala, kinumpirma naman ni Paris prosecutor Remy Heitz na uumpisahan na ang imbestigasyon sa nangyaring trahedya ngunit wala umanong inidikasyon na sinadya ang sunog.
Base naman sa kalkulasyon ng mga arkitekto ay maaaring umabot ng 10-12 taon ang pagsasaayos ng simbahan.