-- Advertisements --

Dinala sa pagamutan ang tatlong katao matapos ang pag-emergency landing ng maliit na eroplano na kanilang sinakyan sa residential area sa Paris.

Ayon kay Transport Minister, Clement Beaune ng France na nagkaroon ng problema sa makina ang eroplano kaya nag-emergency landing ito.

Wala namang nasugatang mga biktima sa lugar kung saan nag-emergency landing ang eroplano.

Dahil dito ay nagresulta sa pagkatanggal ng buntot ng eroplano at napunit ang dalawang pakpak ng eroplano.