-- Advertisements --

VIGAN – Inaresto ng pulisya ang apat katao, kabilang na ang tatlong benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP), dahil sa pagsusugal sa Barangay Manangat, Caoayan dito sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo VIgan kay PCapt Henry Garcia, hepe ng Caoayan Municipal Police Station, huli sa akto sina Christopher Rapacon, 43; Meldrick Rapacon, 37; Emil Rapacon, 32; at Kenneth Blanza, 29-anyos na pawang mga construction workers habang naglalaro ng pusoy dos.

Dismayado si Garcia dahil sa halip na gamitin sa makabuluhan na bagay ay nagawa pang gamitin ng tatlo sa mga benepisyaryo ng SAP ang ayuda mula sa pamahalaan sa sugal.

Nakuha mula sa mga naaresto ang ginamit nilang baraha at P826.75 cash.