CAUAYAN CITY -Mahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 (Anti Gambling Law) ang tatlong benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) na dinakip matapos maaktuhang nagsusugal sa Lapogan, Tumauini, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMajor Rolando Gatan, hepe ng Tumauini Police station, sinabi niya na ilang ulit nang tinawagan ang pansin ng mga suspek ng kanilang punong barangay upang pakiusapan na itigil na ang kanilang iligal na gawain subalit sa halip na tumalima ay nagpatuloy.
Dahil sa patuloy na pagsusugal ng nasabing mga SAP benificiaries ay agad na silang dinakip ng mga oipisyal ng barangay sa pangunguna ng Barangay Kapitan.
Batay naman sa pahayag ng mga suspek na ginagawa lamang nilang palipasan ng oras ang pagsusugal.
Naglakad aniya ang mga opisyal ng barangay upang hindi makatakas ang mga pinaghihinalaan na agad nilang inaresto.
Nasamsam sa pag-iingat ng mga suspek ang bet money, isang set ng baraha, upuan at iba pang gambling paraphernalia.