-- Advertisements --

DAVAO CITY – Isa na namang disgrasya sa daan ang nangayri sa lungsod ng Dabaw,

Ito matapos na nagkarambola ang tatlong sasakyan sa Diversion Road, Matina Pangi, Davao City.

Para umanong isang lata na nayupi ang kinahinatnan ng isang pick-up matapos na nabangga ito ng isang forward truck at ito naman ang nabangga sa iba namang forward truck sa kanyang harapan.

Mabuti na lamang at swerteng nakaligtas ang mga sakay ng nabanggang pick-up dahil una na itong nakababa ng sasakyan bago paman ito nabangga at inararo ng isang forward truck.

Napag-alamang nauna nang pinark ang pick-up at bumaba na rin ang mga sakay nito upang bumili ng bahay kubo na nakadispaly mismo sa gilid ng Diversion road.

Kaya ng nabangga ng forward truck ang pick-up ay swerteng walang nasugatan o namatay dahil tumalon din sa minamanehong truck nito ang driver na si Jason Langob, 25, at ang dalawa pang kasamahan nito.

Base sa salaysay ng Driver na si Langob na nawalan umano ng preno ang Forward Truck ngunit nagsumikap itong makontrola ang direksyon upang maiwasan ang mas malaking damyos.

Ngayon nasa kostudiya na ng Talomo Police Station ang driver ng nasabing truck.