-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Dahil sa malalakas na hangin at ulan, nabuwal ang kahoy na Falcata at natumba sa parking area sa lumang gusali ng Department of Public Works and Highways o DPWH at sa bakuran ng 1st Congressional District Office sa Surigao del Sur sa Telaje, Tandag City.

Natumbahan nito ang tatlong mga sasakyan na naka-parking.

Ang lumang DPWH building ay kasalukuyang inookupa sa Office of the 1st Congressional District, Philippine Information Agency (PIA)-Surigao del Sur information center, Philippine Coconut Authority (PCA), at Surigao Del Sur Parole and Probation Office.

Samantala, umabot na sa 2,190 pamilya o 6, 723 indibidwal ang apektado sa bagyong Kabayan nakaramihan ay nasa Surigao Del Norte na may 43 na pamilya at Surigao Del Sur na may 36 pamilya.
May naitala rin na isang bahay na totally damaged at isa naman ang partially damaged.

Umabot sa 19 na lungsod at bayan sa Surigao Del Sur ang nagdeklara na ng suspension ng klase at trabaho.