-- Advertisements --
Kinilala ang tatlong scientist bilang 2020 Nobel Prize in Physics dahil sa pag-aaral nila tungkol sa black holes.
Sa isinagawang anunsiyo sa Stockholm, Sweden, na panalo sina Sir Roger Penrose, Reinhard Genzel at Andrea Ghez.
Sinabi ni David Haviland ang namumuno ng physics prize committee na ang award ngayong taon ay bilang pagdiriwang ng isa sa most exotic objects sa Universe.
Ang Black holes ay rehiyon sa space kung saan malakas ang gravity na maging ang ilaw ay hindi makakatakas sa kanila.
Dahil sa panalo ay paghahatian ng tatlo ang premyo ang 10 million Krona o mahigit $1.2-million.