-- Advertisements --
Nagwagi ng Nobel Prize in Chemistry ang tatlong scientist na nasa likod ng pinagdugtong na mga molecules o kilala bilang “click” chemistry.
Kinilala ang mga ito na sina Carolyn Bertozzi, Morten Meldal at Barry Sharples na nagtrabaho para maikabit ang mga molecules gaya ng mga piraso ng Lego.
Ginagamit ang mga ito para sa paggamot sa cancer at target nito ang tumour cells.
Si Bertozzi na siyang pang-walong babae na nagwagi ng Chemistry Nobel ay nanguna sa bioorthogonal chemistry.
Habang si Professor Barry Sharpless na mula rin sa US ay dalawang beses ng nanalo ng Nobel Prize una ay noong 2001 sa chiral catalyst.
Si Professor Morten Meldal na mula sa Denmark ay nagulat na lamang ng piliin siya ng Nobel.