-- Advertisements --
Nobel chemistry

Tatlong mga scientists ang sama-samang nanalo ng 2019 Nobel Prize in Chemistry.

Kinilala ng prestihiyosong Nobel prize ang malaking mga naiambag nina John B. Goodenough, M. Stanley Whittingham at Akira Yoshino dahil sa kanilang research upang mapaangat pa ang battery technology.

Ayon sa Nobel committee ang tatlo ay maghahati-hati sa premyo at mga pagkilala dahil sa ” development of lithium ion batteries.”

Dahil umano sa kanilang imbento ay nakatulong ito upang maging magaan ang buhay ng tao lalo na sa paggamit ng mga cellphones, laptops at mga electric vehicles.

Sinasabing si Whittingham ang nag-develop sa unang ginamit na lithium battery noong dekada ’70.

Habang si Goodenough naman ay dinoble pa niya ang potensyal ng baterya.

Si Yoshino naman ay inayos pa ng husto ang imbensiyon para maging mas ligtas ang “pure lithuim” at lalong makatulong sa real-world applications.