Inamin ni Senator Alan Peter Cayetano na tatlong senators ang naglalaban para sa Senate presidency.
Matapos ang proklamasyon ng Magic 12 o winning senatorial candidates, nagbigay ng hiwatig si Cayetano na may tatlong senador ang naghahangad para maging Senate president.
Aniya, ang isa ay babae habang dalawa naman dito ay lalaki subalit wala pa sa kanila ang mayroong 13 na boto o mahigit na boto na kailangan para mahalal sa naturang posisyon.
Sa 24 miyembro ng Senado, ang maluluklok na Senate president ay ang makakakuha ng majority ng mga boto mula sa lahat ng miyembro.
Ilan sa mga usap-usapang tumatakbo para sa Senate presidency ay sina Senators Cynthia Villar, Juan Miguel “Migz” Zubiri at Sen. Sherwin Gatchalian.
Iginiit naman ni Cayetano na isang NP member, na nananatili siyang independent ng matanong kung isa siya sa tumatakbo para sa naturang mataas na posisyon sa Senado.
Sa ngayon, hindi pa aniya nakapagdesisyon si Cayetano kung saang bloc siya sasama kung sa majority ba o sa minority.