Dinakip ang tatlong miyembro ng royal family ng Saudi Arabia, kabilang na ang kapatid ni King Salman.
Batay sa ulat, kinilala ang mga inaresto na sina Prince Ahmed bin Abdulaziz, nakababatang kapatid ng hari; Mohammed bin Nayef, pamangkin ng hari; at Prince Nawaf bin Nayef, pinsan.
Sinasabing bahagi umano ang mga ito ng isang planong kudeta, at inaakusahan din ng “treason” ang mga inaresto.
Wala pang komento sa ngayon ang mga otoridad sa Saudi hinggil sa insidente.
Parte rin daw ito ng ipinatutupad na crackdown ni Crown Prince Mohammed bin Salman (MBS), na siyang de facto ruler ng bansa.
Noong 2017 nang ipaaresto rin ni MBS ang maraming mga royal personalities sa Saudi, kasama na ang mga ministers at businessmen na ipiniit sa Ritz-Carlton hotel sa Riyadh. (BBC)