-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Lumisan na patungong El Salvador ang tatlong mga surfers na taga-Siargao Island, Surigao del Norte upang sasali sa International Surfing Association World Surfing Games (WSG).

Nakatakda itong gagawin sa Mayo 29 hanggang Hunyo 6 sa isang make-or-break gamble upang mag-qualify sa darating na Tokyo Olympics.

Kasama sa six-man Philippine surfing team ang tatlong mga Siargao surfers na sina John Mark Tokong, Edito Alcala at Nilbie Blancada, na tatangkaing suswertihin sa WSG upang kanilang madala ang national flag sa pinakamalaking entablado sa global sports – ang Tokyo Olympics.