BUTUAN CITY – Mariing kinondena ng militar ang indiscriminate firing na kagagawan umano ng rebeldeng New People’s Army (NPA) gamit ang M203 grenade launcher dahilan sa nasugatan ang tatlong sibilyan sa Sitio Emerald, Diatagon, Lianga, Surigao del Sur.
Nakilala ang mga sugatan na sina Andrea Gallergo, 55; Marimar Terse, 19, at limang taong gulang na batang babae na kaagad namang nilapatan ng Community Support Team medics ay kaagad na nagbibigay ng first-aid at dinala ang mga biktima sa Lianga District Hospital.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Lt. Col. Joey Baybayan, 3rd Special Forces “Arrowhead” Battalion commanding officer na mayroon na silang lead sa mga suspected criminals na karamihan ay mga miyembro ng grupong Malahutayong Pakigbisog Alang sa Sumusunod (MAPASU).
Kinokondena rin ito sa IP Community sa pangunguna ni Hawudon, Jumar Bucales, ang Indigenous People’s Representative (PMR) ng Lianga kasabay sa hiling sa militar na magtayo ng patrol base sa Kilometer 9 upang sila’y maprotektahan laban sa terorismong gawain ng NPA.