ROXAS CITY – Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang tatlong individual dahil sa nagyaring sunog, bandang ala-1 nang madaling araw sa Sitio Suol, Barangay Tanque, Roxas City.
Kilala ang mga biktima na sina Rufino Fabiana, at mag-asawang Evangeline at Wilson Ombas.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Roxas sa mga biktima, tumalon ang mga ito sa bintana matapos na-alimpungatan dahil sa matinding init dala ng malaking apoy na unti-unting lumalamon sa kanilang tahanan.
Napag-alaman na gawa sa mixed materials ang bahay at mabilis na kumalat ang apoy kung saan tatlong kabahayan ang dineklarang totally burned.
Sa pahayag ni SFO1 Albert Amago, nanggaling ang apoy sa bahay ni Fabiana dahil sa nakasinding katol sa ilalim ng higaan.
Mabilis na nagresponde ang Bureau of Fire Protection – Roxas City at lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na mahigit kumulang sa P100,000 ang naging damage sa nasabing sunog.