-- Advertisements --
BASRA, Iraq- Tumama ang isang rocket sa mga kabahayan at operations headquarters ng malalaking kumpanya ng langis sa Basra, Iraq. Kasama rin sa mga nasabugan ang U.S. giant ExxonMobil, kung saan tatlong katao ang naiulat na sugatan.
Nangyari ang pagsabog na ito ilang araw lamang nang unang atakihin ang lugar na kasalukuyang tinutuluyan ng mga US military personnel sa Iraq.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin batid kung sino ang responsable sa mga pag-atake.
Sa impormasyon na inilabas ng mga otoridad, bumagsak umano ang rocket sa Burjesia site.
Inilikas naman ng Estados Unidos ang libo-libong diplomatic staff sa Baghdad embassy simula noong nakaraang buwan. Hinihinala naman ng mga ito na Iran ang may pakana ng mga pagpapasabog.