-- Advertisements --

NAGA CITY – Sugatan ang tatlong katao matapos mahulog ang isang bus sa bangin sa Brgy. Magais II, Del Gallego, Camarines Sur.

Kinilala ang mga biktima na sina Winefrida Sta Cruz, Rex Ballesteros, at Mela Bayos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na alas-11:45 kagabi habang binabaybay ng bus na minamaneho ni Rolly Cao ang kahabaan ng R. Andaya Highway mula sa Iriga City, mapuntang Metro Manila nang mawalan ng kontrol sa sasakyan pagdating sa lugar.

Kaugnay nito, aksidenteng nahulog sa bangin ang sasakyan na nagresulta para magtamo ng sugat sa katawan ang tatlong pasahero nito na agad namang itinakbo sa ospital.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon habang nananatili na sa kustodiya ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.