-- Advertisements --

ROXAS CITY – Sugatan ang tatlong katao na dinala sa ospital matapos maaksidente ang sinasakyang motorsiklo sa Barangay Bato, Panay, Capiz.

Kinilala ang mga biktima na sina Renato Tuga-ob, 46 anyos kasama ang dalawang mga backriders na sina Ronel Monsale at Cony Monsale, pawang mga residente ng Poblacion Tabuc, Panay, Capiz.

Ayon kay Police Staff Sergeant Bryan Bacay, imbestigador ng Panay Municipal Police Station habang binabaybay ng mga biktima ang daan papunta sa Roxas City biglang nawalan ng kontrol ang sinasakyang motorsiklo.

Kasabay nito ang pagkatumba ng motorsiklo at pagkasugat ng mga biktima.

Kaagad nagresponde ang Capiz Emergency Response Team (CERT) at binigyan ng paunang lunas ang mga sugat ng tatlo bago dinala sa ospital.