-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Tatlo katao ang nasugatan sa isang sasakyan na nahulog sa bangin sa probinsya ng Cotabato.

Ayon sa ulat ng Cotabato PNP na sakay ang mga biktima sa isang bongo truck sa Barangay Binay Magpet Cotabato na may kargang niyog.

Bigla umanong nawalan ng preno ang sasakyan sa matarik na bahagi ng kalsada at hindi na nakontrola ng driver manobela kaya bumulusok sa bangin.

Agad tumulong ang mga residente sa lugar at dinala sa pagamutan ang mga sugatan.

Paalala ng LGU-Magpet sa lahat na mag-ingat at siguraduhin na nasa kondisyon ang sasakyan bago magmaneho.