Pito na ang naitalang sugatan matapos masunog ang bagon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) train sa Guadalupe station sa EDSA kagabi.
Ayon kay MRT-3 General Manager Eymard Eje, apat sa mga sugatan ay lalaki at tatlo naman ang lalaki.
Wala naman umanong naitalang patay sa naturang insidente.
Ang nagliyab na bagon ng MRT-3 ay kalalagpas lamang ng Guadalupe station south bound lane.
Sa isang statement, sinabi ng pamunuan ng MRT-3, nagsimula ang sunod dakong alas-9:12 ng gabi at idineklara itong fire out dakong alas-09:51.
“Minor injuries initially recorded were that of three ladies who sustained bruises in their legs after jumping off the train to the mainline tracks. The MRT-3 management is currently exhausting all efforts to address the situation, putting into primary consideration the safety of the passengers,” base sa statement ng MRT-3 sa kanilang Twitter.
Ayon pa sa management, ipinatupad na rin angprovisional service mula MRT-3 North Avenue station patungong Shaw Boulevard station.