-- Advertisements --

HOUSTON, Texas – Umabot na sa tatlo ang naitalang mga sugatan sa nangyaring pagsabog sa isang petrochemical plant sa Texas.

Batay sa ulat, naganap ang inisyal na pagsabog sa isang TPC Group plant sa Port Neches, Texas bandang ala-1:00 ng madaling araw (local time), na nasundan pa ng serye ng mga pagsabog.

Inilikas din sa mas ligtas na lugar ang mga residente na nasa loob ng half-mile radius.

Ayon sa Jefferson County Sheriff’s Office, nagtamo ng malubhang pinsala ang ilang mga kabahayan at iniisa-isa na rin umano ng local police ang mga tahanan upang suriin kung nasugatan din ang mga residente.

Ang naturang insidente ay ang pinakahuli sa nangyari ring mga pagsabog sa ilan pang mga petrochemical plants sa Texas. (Reuters)