-- Advertisements --

Sugatan ang tatlong tricycle driver matapos na araruhin ng truck ng bumbero sa Bagong Silangan, Quezon City.

Base sa imbestigasyon, may rerespondehan na sunog ang firetruck ng Bahay Toro Sub-Station ng mangyari ang insidente.

Nawalan umano ng kontrol ang driver ng truck kaya ito tumagilid habang ito ay palusong sa Sampaguita St. kung saan nasagi ang dalawang tricycle habang nadaganan ang isa.

Nahirapan ang mga otoridad na tanggalin ang nasabing tumagild na truck.