KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring pamamaril sa Purok 1, Brgy Lapu, Polomolok, South Cotabato na ikinasugat ng tatlong katao.
Ito ang kinumpirma ni Barangay Kapitan Mercy Alonzo ng Barangay Lapu sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Kinilala ni Alonzo ng mga biktima na sina Usdad Cossain, 55 ; Jerome Retuta, 29, at Peter Espada, 41, pawang mga mekaniko at residente ng nasabing lugar.
Lumabas naman sa imbestigasyon ng pulisya na ng mga biktima ay pinagbabaril gamit ang mataas na kalibre ng baril habang abala sa pag-aayos ng sasakyan sa parking area ng kanilang kliyente sa nasabing lugar.
Agad namang tumakas ang tatlong mga suspek matapos gawin ang krimen.
Narekober sa crime scene ang nasa 12 basyo ng 5.56mm na baril.
Sa ngayon, nagpapagaling na sa South Cotabato Provincial Hospital ang mga biktima.
Malaki naman ang posibilidad na may kaugnayan sa trabaho ng mga biktima ang motibo sa krimen.