CENTRAL MINDANAO-Tatlo ang sugatan sa pananambang sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang mga biktima na sina Omar Delna Akob,26 anyos,Manyara Akob Buka,15 at Tala Maulana Matabalao,30,magkakamag-anak at pawang mga residente ng Brgy Langayen Pikit North Cotabato.
Ayon kay Pikit Chief of Police,Captain Mautin Pangandigan, na habang lulan ang mga biktima sa Suzuki Multicab na may kargang sako-sakong mais sa Brgy Genatilan Pikit North Cotabato ay bigla silang tinambangan ng mga hindi kilalang tao gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pikit.
Ang mga sugatan ay agad tinutulungan ng mga residente at mga opisyal ng Barangay,kung saan dinala sila sa Cruzado Medical Hospital.
Nagtamo ng sugat sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan ang mga biktima at patuloy na ginagamot.
Awayan sa pamilya o rido ang natatanaw na motibo ng mga otoridad sa pamamaril sa mga biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.