-- Advertisements --

ROXAS CITY – Sugatan ang tatlong katao matapos nagsalpukan ang motorsiklo at tricycle sa Barangay Timpas, Panitan, Capiz.

Kinilala ang driver ng tricycle na si John Mark Daliva, 31-anyos, residente ng nasabing barangay habang sugatan naman ang pasahero na Roselyn Daliva, residente ng Barangay Tabuc Norte, Panitan.

Ang driver naman ng motorsiklo ay si Roberto Daliva, 51-anyos, at residente ng Barangay Timpas, Panitan, Capiz.

Sa imbestigasyon ni Police Staff Sergeant Dale Daliva, imbestigador ng Panitan Municipal Police Station habang binabaybay ng driver ng tricycle ang daan hindi inaasahan na makakasalubong nito ang motorsiklo na minamaneho ni Daliva.

Sa lakas ng impact ay nahulog sa kanal ang tricycle kung saan nasugatan ito kabilang na ang kanyang pasahero.

Nagtamo naman ng sugat ang driver ng motorsiklo dahil sa aksidente.