ROXAS CITY – Sugatan ang 3 tao matapos ang salpukan ng top down na tricycle at motorsiklo sa Barangay Rosario, Pilar, Capiz.
Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga biktima na sina Rodrigo Lachica 58-anyos driver ng Suzuki Smash na motorsiklo, mga sakay na sina Veronica Vergara 65-anyos at isang menor de edad, pawang mga residente ng Barangay Cayus, Pilar Capiz, habang ang driver ng top down tricycle ay si Nike Labitag, 34-anyos residente ng Barangay Dulangan Pilar, Capiz.
Sa interview ng Bombo Radyo kay Police Major Alfred de Leon, Hepe ng Pilar PNP, sinabi nito na lumalabas sa imbestigasyon na habang binabaybay ng motorsiklo ang daan ay hindi inaasahan ang biglang pagbangga sa kanya ng top down tricycle.
Dahil sa impact ng pagkakabangga ay nagtamo ng mga sugat sa katawan ang mga biktima na kaagad dinala sa ospital
Samantala tinangka pa ng suspek na tumakas, ngunit mabilis itong naaresto ng mga pulis.
Nakakulong na ngayon sa bilangguan ng Pilar PNP si Labitag.