CENTRAL MINDANAO-Maselan ang kondisyon ng tatlo katao na sugatan sa sumabog na pinaglaruan na granada sa lalawigan ng Maguindanao Del Sur.
Nakilala ang mga biktima na sina Bryan Damada,Irap Kaslon at Tolig Dowa,mga residente ng Barangay Baldon Sultan sa Barongis Maguindanao Del Sur.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Roel Sermese na may nakakita umanong mga kapitbahay ng mga biktima na pinaglaruan nito ang isang granada.
Aksidenteng natanggal ang safety pin ng granada at sumambulat.
Nagtamo ng matinding sugat ang tatlong magkakabarda sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.
Agad dinala ng mga nagrespondeng pulis ang mga biktima sa Maguindanao Provincial Hospital at nasa maselang kondisyon.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Sultan sa Barongis PNP sa naturang pangyayari.