-- Advertisements --

Sugatan ang tatlong katao matapos na sumabog ang World War Two na bomba sa ginagawang riles sa Munich, Germany.

Ayon sa imbestigasyon ng mga rumespondeng bumbero na nangyari ang pagsabog matapos tamaan ito sa ginagawa nilang paghuhukay malapit sa Donnersberger Bridge.

Nagdulot ng matinding trapiko ang nasabing insidente.

Madalas na natatagpuan ang mga hindi sumabog na mga World War 2 bombs sa Germany na sanhi ng paglikas ng maraming residente.